Friday, September 14, 2018

Ang Mabuting Balita para sa Setyembre 16, Ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon: Marcos 8:27-35


Mabuting Balita: Marcos 8:27-35
• 27 At pumunta si Jesus kasama ang kanyang mga alagad sa mga nayon ng Cesarea ni Filipo. At habang nasa daa’y tinanong niya ang kanyang mga alagad: “Sino raw ako ayon sa mga tao?” 28 Su­magot sila: “May nag­sa­sa­bing si Juan Bautista ka; may iba pang nagsasabing si Elias ka o isa sa mga propeta kaya.”

29 At tinanong niya sila: “Ngunit ano naman ang sinasabi ninyo kung sino ako?” At sumagot si Pedro: “Ikaw ang Mesiyas.” 30 At inutusan niya sila na huwag sabihin kaninuman ang tungkol sa kanya.

31 At sinimulan niyang ituro sa kanila na kailangang magtiis ng marami ang Anak ng Tao. Itatakwil nga siya ng mga Mata­tanda ng bayan, ng mga punong-pari at ng mga guro ng Batas. Papa­tayin siya at muling babangon pagka­tapos ng tatlong araw. 32 At buong-­tapang siyang nag­salita. Dinala naman siya ni Pedro sa isang tabi at sinimulan siyang pagsa­bihan. 33 Ngunit pagtalikod ni Jesus, nakita niya na naroon din ang kanyang mga alagad. Kaya pinagsabihan niya si Pedro: “Sa likod ko, Satanas! Hindi sa Diyos galing ang iniisip mo kundi mula sa tao.”
Kunin mo ang iyong krus

 34 At tinawag ni Jesus ang kanyang mga alagad pati ang mga tao, at sinabi: “Kung may gustong sumunod sa akin, itakwil ang kanyang sarili at kunin ang kanyang krus para sumunod sa akin. 35 Sapagkat ang naghahangad na magligtas ng kanyang sarili ay mawa­walan nito, at ang mawawalan ng sarili alang-alang      sa akin at sa ebang­helyo ang magliligtas nito.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon

No comments: