Thursday, September 13, 2018

Ang Mabuting Balita para sa Setyembre 15; Sabado: Mahal na Birheng Nagdadalamhati: Juan 19:25-27


Mabuting Balita: Juan 19:25-27
+ + + + + + +
Nangakatayo naman sa tabi ng krus ni Jesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae ng kanyang ina, si Maria ni Cleofas at si Maria Magdalena. 26 Kaya pagkakita ni Jesus sa ina at sa alagad na mahal niya na nakatayo sa tabi, sinabi niya sa Ina: “Babae, hayan ang anak mo!” 27 pagkatapos ay sinabi naman niya sa alagad: “Hayan ang iyong ina.” At mula sa oras na iyon, tinanggap siya ng alagad sa kanyang tahanan.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon



No comments: