11Si Jesus
nga ay nakatayo sa harap ng gobernador: at tinanong siya ng gobernador, na
nagsasabi, Ikaw baga ang Hari ng mga Judio? At sinabi sa kaniya ni Jesus, Ikaw
ang nagsasabi. 12At nang
siya'y isakdal ng mga pangulong saserdote at ng matatanda, ay hindi siya
sumagot ng anoman. 13Nang
magkagayo'y sinabi sa kaniya ni Pilato, Hindi mo baga naririnig kung gaano
karaming bagay ang kanilang sinasaksihang laban sa iyo? 14At hindi
siya sinagot niya, ng kahit isang salita man lamang: ano pa't nanggilalas na
mainam ang gobernador.
15Sa
kapistahan nga ay pinagkaugalian ng gobernador na pawalan sa karamihan ang
isang bilanggo, na sinoman ang kanilang ibigin. 16At noo'y
sila'y may isang bilanggong bantog, na tinatawag na Barrabas. 17Nang sila'y
mangagkatipon nga, ay sinabi sa kanila ni Pilato, Sino ang ibig ninyong sa
inyo'y aking pawalan? si Barrabas, o si Jesus na tinatawag na Cristo? 18Sapagka't
natatalastas niya na dahil sa kapanaghilian ay ibinigay siya nila sa kaniya.
19At
samantalang nakaupo siya sa luklukan ng pagkahukom, ay nagsugo sa kaniya ang
kaniyang asawa, na nagsasabi, Huwag kang makialam sa matuwid na taong iyan;
sapagka't ngayong araw na ito'y naghirap ako ng maraming bagay sa panaginip
dahil sa kaniya. 20Inudyukan
ng mga pangulong saserdote at ng matatanda ang mga karamihan na hingin nila si
Barrabas, at puksain si Jesus. 21Datapuwa't
sumagot ang gobernador at sa kanila'y sinabi, Alin sa dalawa ang ibig ninyong
sa inyo'y aking pawalan? At sinabi nila, Si Barrabas. 22Sinabi sa
kanila ni Pilato, Ano ang gagawin kay Jesus na tinatawag na Cristo? Sinabi
nilang lahat, Mapako siya sa krus. 23At sinabi
niya, Bakit, anong kasamaan ang kaniyang ginawa? Datapuwa't sila'y lalong
nangagsigawan, na nangagsasabi, Mapako siya sa krus.
24Kaya't nang
makita ni Pilato na wala siyang magawa, kundi bagkus pa ngang lumalala ang
kaguluhan, siya'y kumuha ng tubig, at naghugas ng kaniyang mga kamay sa harap
ng karamihan, na sinasabi, Wala akong kasalanan sa dugo nitong matuwid na tao;
kayo ang bahala niyan. 25At sumagot
ang buong bayan at nagsabi, Mapasa amin ang kaniyang dugo, at sa aming mga
anak. 26Nang
magkagayo'y pinawalan niya sa kanila si Barrabas; nguni't si Jesus ay hinampas
at ibinigay upang ipako sa krus.
27Nang
magkagayo'y dinala si Jesus ng mga kawal ng gobernador sa Pretorio, at
nagkatipon sa kaniya ang buong pulutong. 28At siya'y
kanilang hinubdan, at dinamtan siya ng isang balabal na kulay-ube. 29At sila'y
nangagkamakama ng isang putong na tinik, at ipinutong sa kaniyang ulo, at
inilagay sa kanang kamay niya ang isang tambo; at sila'y nagsiluhod sa harap
niya at siya'y kanilang nilibak, na nagsisipagsabi, Magalak, Hari ng mga
Judio! 30At siya'y
kanilang niluluraan, at kinuha nila ang tambo at sinaktan siya sa ulo. 31At nang
siya'y kanilang malibak, ay hinubdan nila siya ng balabal, at isinuot sa kaniya
ang kaniyang mga damit, at kanilang inilabas siya upang ipako sa krus.
32At paglabas
nila'y kanilang nasalubong ang isang taong taga Cirene, na ang pangala'y Simon:
ito'y kanilang pinilit na sumama sa kanila, upang pasanin niya ang kaniyang
krus. 33At nang
sila'y magsirating sa isang dakong tinatawag na Golgota, sa makatuwid baga'y,
Ang dako ng bungo, 34Ay pinainom
nila siya ng alak na may kahalong apdo: at nang kaniyang matikman, ay ayaw
niyang inumin.
35At nang
siya'y kanilang maipako sa krus ay kanilang binahagi ang kaniyang mga damit, na
kanilang pinagsapalaran; 36At sila'y
nangagsiupo at binantayan siya roon. 37At inilagay
nila sa kaniyang ulunan ang pamagat sa kaniya, na nasusulat: ITO'Y SI JESUS,
ANG HARI NG MGA JUDIO. 38Nang
magkagayo'y ipinakong kasama niya ang dalawang tulisan, isa sa kanan at isa sa
kaliwa. 39At siya'y
nililibak ng nangagdaraan, na iginagalaw ang kanilang mga ulo, 40At
nangagsasabi, Ikaw na igigiba mo ang templo, at sa tatlong araw ay iyong
itatayo, iyong iligtas ang sarili mo: kung ikaw ay Anak ng Dios, ay bumaba ka
sa krus.
41Gayon din
naman ang paglibak sa kaniya ng mga pangulong saserdote, pati ng mga eskriba at
ng matatanda, na nagsipagsabi, 42Nagligtas
siya sa mga iba; sa kaniyang sarili ay hindi makapagligtas. Siya ang Hari ng
Israel; bumaba siya ngayon sa krus, at tayo'y magsisisampalataya sa
kaniya. 43Nananalig
siya sa Dios; iligtas niya siya ngayon, kung siya'y iniibig: sapagka't sinabi
niya, Ako'y Anak ng Dios. 44At minumura
din naman siya ng mga tulisang kasama niyang nangapapako sa krus.
45Mula nga
nang oras na ikaanim ay nagdilim sa ibabaw ng buong sangkalupaan hanggang sa
oras na ikasiyam. 46At nang
malapit na ang oras na ikasiyam ay sumigaw si Jesus ng malakas na tinig, na
sinasabi: Eli, Eli, lama sabachthani? sa makatuwid baga'y, Dios ko, Dios ko
bakit mo ako pinabayaan? 47At nang
marinig ito ng ilan sa nangakatayo roon, ay sinabi, Tinatawag ng taong ito si
Elias. 48At pagkaraka'y
tumakbo ang isa sa kanila, at kumuha ng isang espongha, at binasa ng suka, saka
inilagay sa isang tambo, at ipinainom sa kaniya.
49At sinabi
ng mga iba, Pabayaan ninyo; tingnan natin kung paririto si Elias upang siya'y
iligtas. 50At muling
sumigaw si Jesus ng malakas na tinig, at nalagot ang kaniyang hininga. 51At narito,
ang tabing ng templo'y nahapak na nagkadalawa buhat sa itaas hanggang sa ibaba;
at nayanig ang lupa; at nangabaak ang mga bato; 52At
nangabuksan ang mga libingan; at maraming katawan ng mga banal na nangakatulog
ay nangagbangon; 53At paglabas
sa mga libingan pagkatapos na siya'y mabuhay na maguli ay nagsipasok sila sa
bayang banal at nangapakita sa marami. 54Ang
senturion nga, at ang mga kasamahan niya sa pagbabantay kay Jesus, nang
mangakita nila ang lindol, at ang mga bagay na nangyari, ay lubhang nangatakot,
na nangagsasabi, Tunay na ito ang Anak ng Dios.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.