Sinabi ni
Jesus sa kanyang mga alagad: 15 Kung nagkasala sa iyo ang iyong kapatid,
puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan; at kung makinig siya sa iyo,
tinubo mo na ang iyong kapatid. 16 Kung hindi naman siya makinig sa iyo,
magsama ka ng dalawa o tatlo para lutasin
ang kaso sa pagsaksi ng dalawa o tatlo. 17 Kung tatanggi
siyang makinig sa kanila, sabihin ito sa Iglesya; at kung hindi pa rin siya makikinig
sa Iglesya, ituring siyang pagano o publikano.
18 Talagang
sinasabi ko sa inyo: ang talian ninyo sa lupa ay matatali rin sa Langit, at ang
kalagan ninyo dito sa lupa ay kakalagan din sa Langit. 19 Sinasabi ko rin
sa inyo: kung dito sa lupa ay may dalawa sa inyo na nagkakaisang humihingi
ng anuman, gagawin ito para sa kanila ng aking Amang nasa Langit.
20 Sapagkat kung saan may dalawa o tatlong nagkakatipon sa Ngalan ko,
kapiling nila ako.”
No comments:
Post a Comment