Please join My Reflections' Facebook Group

Saturday, April 17, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Abril 18 Ikatlong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay: Lucas 24:35-48


Mabuting Balita: 
Lucas 24:35-48
35 Isinalaysay ng dalawang alagad ang nang­yari sa daan at kung paano nila siya nakilala sa pagpipiraso ng tinapay. 36 Habang pinag-uusapan nila ang mga ito, tumayo siya mismo sa gitna nila (at sinabi sa kanila: “Huwag ka­yong  matakot, sumainyo ang kapaya­paan!”). 37 Nagulat nga sila at natakot, at akala’y nakakakita sila ng kung anong espiritu. 38 Ngunit sinabi niya sa kanila: “Bakit kayo naliligalig at puma­pasok ang alinla­ngan sa inyong isipan?  

39 Ting­nan ninyo ang aking mga ka­may at mga paa, ako nga siya. Hipuin ninyo ako at unawain ninyo na walang laman at mga buto ang isang espiritu, at nakikita ninyo na meron ako.” (40 Matapos masabi ito, ipinakita niya sa kanila ang kanyang mga kamay at paa.)  

41 Hindi sila makapaniwala sa labis na galak at nagtataka pa rin kaya sinabi niya sa kanila: “May makakain ba kayo rito?” 42 At binigyan nila siya ng isang pirasong inihaw na isda (at pulot-puk­yutan). 43 Ki­nu­ha niya iyon at ku­main sa harap nila. 44 Sinabi niya sa kanila: “Sinabi ko na sa inyo ang mga ito nang kasama ninyo ako: kailangang matupad ang lahat ng nasusulat tungkol sa akin sa Batas ni Moises, Mga Propeta at Mga Salmo.”  

45 At binuksan niya ang kanilang isipan para maunawaan nila ang mga Kasulatan. 46 Sinabi niya: “Ganito ang na­susulat: kailangang magdusa ang Mesiyas at pagkamatay niya’y buhayin sa ikatlong araw. 47 Sa ngalan niya ipahahayag sa lahat ng bansa ang pagsisisi at ang kapa­tawaran ng mga kasa­lanan – sa Jerusalem kayo mag­sisimula. 48 Kayo ang magiging mga saksi sa mga ito.

No comments:

Post a Comment