“Ang tinitingnan mo’y ang puwing ng iyong kapatid ngunit hindi mo pinapansin ang tahilan sa iyong mata. Paano mo masasabi sa iyong kapatid, ‘Kapatid, bayaan mong alisin ko ang iyong puwing,’ gayung hindi mo nakikita ang tahilang nasa iyong mata? Mapagpaimbabaw! Alisin mo muna ang tahilan sa iyong mata, at makakikita kang mabuti; sa gayo’y maaalis mo ang puwing ng iyong kapatid.”
“Walang mabuting punongkahoy na namumunga ng masama, at walang masamang punongkahoy na namumunga ng mabuti. Nakikilala ang bawat punongkahay sa pamamagitan ng kanyang bunga. Sapagkat hindi nakapipitas ng igos sa puno ng aroma, at di rin nakapipitas ng ubas sa puno ng dawag.
Ang mabuting tao ay nakapagdudulot ng
mabuti sapagkat tigib ng kabutihan ang kanyang puso; ang masamang tao ay
nakapagdudulot ng masama, sapagkat puno ng kasamaan ang kanyang puso. Sapagkat
kung ano ang bukambibig siyang laman ng dibdib.
No comments:
Post a Comment