May pitong magkakapatid na lalaki. Nag-asawa ang panganay, at
namatay na walang anak. Nagpakasal sa balo ang pangalawa, at namatay. Gayon din
ang nangyari sa pangatlo hanggang sa pampito: isa-isang napangasawa ng babae at
pawang namatay na walang anak. Sa kahuli-huliha'y namatay naman ang babae. Sa
muling pagkabuhay, sino po sa pito ang kikilalaning asawa niya yamang
napangasawa niya silang lahat?"
Sumagot si Jesus, "Sa buhay na ito, ang mga lalaki at mga
babae'y nag-aasawa, ngunit ang mga lalaki't babaing karapat-dapat na muling
buhayin para sa kabilang buhay ay hindi na mag-aasawa. Hindi na sila mamamatay
sapagkat matutulad sila sa mga anghel. At sila'y mga anak ng Diyos yamang muli
silang binuhay.
Maging si Moises si Moises ay nagpapatunay na muling binubuhay ang
mga patay. Sapagkat sa kanyang kasaysayan hinggil sa nagliliyab na mababang
punongkahoy, ang Panginoon ay tinawag niyang 'Diyos ni Abraham, Diyos ni Isaac
at Diyos ni Jacob.'
Ngunit
ang Diyos ay hindi Diyos ng mga patay kundi ng mga buhay -- sa kanya'y buhay
ang lahat." Sinabi ng ilan sa mga eskriba, "Magaling ang sagot ninyo,
Guro!" At wala nang nangahas magtanong sa kanya ng anuman.
No comments:
Post a Comment