Please join My Reflections' Facebook Group

Monday, November 11, 2024

Ang Mabuting Balita Nobyembre 15, Biyernes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon: Lucas 17:26-37


Mabuting Balita: Lucas 17:26-37
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, "Ang pagparito ng Anak ng Tao ay matutulad sa kapanahunan ni Noe. Noon, ang mga tao'y nagsisikain at nagsisiinom, nag-aasawa, hanggang sa araw na sumakay si Noe sa daong. Dumating ang baha at namatay silang lahat. 

Gayon din noong panahon ni Lot -- ang mga tao'y nagsisikain at nagsisiinom, namimili at nagbibili, nagtatanim, at nagtatayo ng bahay. Ngunit nang araw na umalis si Lot sa Sodoma, umulan ng apoy at asupre at natupok silang lahat. Gayon din sa pagdating ng Anak ng Tao.  

"Sa araw na iyon, ang nasa bubungan ay huwag ng bumaba upang kunin ang kanyang mga ari-arian sa loob ng bahay. Ang nasa bukid ay huwag nang umuwi. Alalahanin ninyo ang nangyari sa asawa ni Lot. Ang sinumang magsikap na iligtas ang kanyang buhay ay mawawalan nito; ngunit ang sinumang mawalan ng kanyang buhay ay siyang makapagliligtas nito.  

Sinasabi ko sa inyo: may dalawang lalaking natutulog sa isang higaan sa gabing iyon; kukunin ang isa at iiwan ang isa. May dalawang babaing magkasamang gumigiling; kukunin ang isa at iiwan ang isa. May dalawang lalaking gumagawa sa bukid; kukunin ang isa at iiwan ang isa." "Saan po, Panginoon,?" tanong ng kanyang mga alagad. Sumagot siya, "Kung saan naroon ang mga bangkay, doon naman nagkakatipon ang mga buwitre."

No comments:

Post a Comment