Please join My Reflections' Facebook Group

Wednesday, November 06, 2024

Ang Mabuting Balita, Linggo Nobyembre 10 Ika-32 na Linggo sa Karaniwang Panahon: Marcos 12:38-44


Mabuting Balita: Marcos 12:38-44
Noong panahong iyon sinabi ni Jesus sa kanyang pagtuturo, "Mag-ingat kayo sa mga eskriba na mahilig maglalakad nang may mahahabang kasuutan at natutuwang pagpugayan sa mga liwasan. Ang ibig nila'y ang mga tanging luklukan sa mga sinagoga, at mga upuang pandangal sa mga piging. 

Inuubos nila ang mga kabuhayan ng mga babaing balo, at ang sinasangkala'y ang pagdarasal ng mahaba! Lalo pang bibigat ang parusa sa kanila.!"  

Umupo si Jesus sa tapat ng hulugan ng mga kaloob doon sa templo, at pinagmasdan ang mga taong naghuhulog ng salapi. Maraming mayayamang naghulog ng malalaking halaga. Lumapit naman ang isang babaing balo at naghulog ng dalawang kusing na katumbas ng isang pera. 

Tinawag ni Jesus ang kanyang mga alagad at kanyang sinabi, "sinasabi ko sa inyo: ang dukhang balong iyon ay naghulog ng higit sa kanilang lahat. Sapagkat ang iba'y nagkaloob ng bahagi lamang ng hindi na nila kailangan, ngunit ibinigay ng balong ito na dukhang-dukha ang buo niyang ikabubuhay."

No comments:

Post a Comment