Minsan, nananalangin si Hesus.
Pagkatapos niya, sinabi ng isa sa kanyang mga alagad, “Panginoon, turuan po
ninyo kaming manalangin, katulad ng ginawa ni Juan sa kanyang mga
alagad.”
Sinabi ni Hesus, “Kung kayo’y mananalangin, ganito ang sabihin ninyo: ‘Ama, sambahin nawa ang pangalan mo. Magsimula na sana ang iyong paghahari. Bigyan mo kami ng aming makakain sa araw-araw. At patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, Sapagkat pinatatawad namin ang bawat nagkasala sa amin. At huwag mo kaming iharap sa mahigpit na pagsubok.’”
No comments:
Post a Comment