Noong
panahong iyon, sinabi ni Hesus, "Kawawa kayo, mga Pariseo! Ibinibigay
ninyo ang ikapu ng yerbabuena, ng ruda, at ng iba pang gulayin, ngunit
kinaliligtaan ninyo ang katarungan at ang pag-ibig sa Diyos. Tamang gawin ninyo
ito ngunit huwag naman ninyong kaliligtaang gawin ang mga iba.
"Kawawa kayo, mga Pariseo! Sapagkat ang ibig ninyo'y ang mga tanging luklukan sa mga sinagoga, at ang pagpugayan kayo sa mga liwasang-bayan. Sa aba ninyo! Sapagkat para kayong mga libingang walang tanda, at nalalakaran ng mga tao nang hindi nila nalalaman."
Sinabi
sa kanya ng isa sa mga dalubhasa sa Kautusan, "Guro, sa sinabi mong iyan
pati kami'y kinukutya mo." At sinagot siya ni Jesus, "Kawawa rin
kayo, mga dalubhasa sa Kautusan! Sapagkat ipinapapasan ninyo sa mga tao ang
mabibigat na dalahin, ngunit ni daliri'y ayaw ninyong igalaw sa pagdadala ng
mga iyon."
No comments:
Post a Comment