Noong panahong iyon, pagkatapos
magsalita ni Hesus, siya’y inanyayahan ng isang Pariseo upang kumain, kaya’t
pumunta siya sa bahay nito. Pagdulog sa hapag, nagtaka ang Pariseo nang makita
niyang kumain si Hesus nang hindi muna naghugas ng kamay.
Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Kayong mga Pariseo, hinuhugasan ninyo ang labas ng tasa at ng pinggan, ngunit ang loob ninyo’y punong-puno ng kasakiman at kasamaan. Mga hangal! Hindi ba’t ang may likha ng labas ang siya ring may likha ng loob? Ngunit ipamahagi muna ninyo sa mga dukha ang mga laman ng mga sisidlan at magiging malinis ang lahat ng bagay para sa inyo.”
No comments:
Post a Comment