Sa
hangad ng eskriba na huwag siyang lumabas na kahiya-hiya, tinanong niya uli si
Hesus, “Sino naman ang aking kapwa?” Sumagot si Hesus: “May isang taong
naglalakbay buhat sa Jerusalem, patungong Jerico. Hinarang siya ng mga tulisan,
kinuha pati damit sa katawan, binugbog at halos patay na nang iwan.
Nagkataong
dumaan doon ang isang saserdote at pagkakita sa taong nakahandusay, siya’y
lumihis at nagpatuloy ng kanyang lakad. Dumaan din ang isang Levita, ngunit
tiningnan lamang niya ito at nagpatuloy ng kanyang lakad. Ngunit may isang
Samaritanong naglalakbay na naparaan doon. Nakita niya ang hinarang at siya’y
nahabag. Lumapit siya, binusan ng langis at alak ang mga sugat nito at
tinalian.
Saka isinakay ang tao sa kanyang sinasakyang hayop, dinala sa bahay-panuluyan, at inalagaan doon. Kinabukasan, dumukot siya ng dalawang denaryo, ibinigay sa may-ari ng bahay-panuluyan at sinabi, ‘Alagaan mo siya, at kung magkano man ang kakulangan niyan, babayaran ko sa aking pagbabalik.’ Sino ngayon sa palagay mo ang nagpakita ng kanyang pakikipagkapwa sa taong hinarang ng mga tulisan?” tanong ni Hesus. “Ang nagpakita ng habag sa kanya,” tugon ng eskriba. Sinabi sa kanya ni Hesus, “Humayo ka’t gayun din ang gawin mo.”
No comments:
Post a Comment