Noong panahong iyon, tinawag ni Jesus
ang Labindalawa at binigyan sila ng kakayahan at kapangyarihang magpalayas ng
mga demonyo at magpagaling ng mga karamdaman. At sinugo niya sila upang
ipahayag ang paghahari ng Diyos at magpagaling ng mga maysakit.
Sila'y
pinagbilinan niya: "Huwag kayong magbaon ng anuman para sa inyong
paglalakbay -- kahit tungkod, supot, tinapay, salapi o bihisan. Makituloy kayo
sa alinmang bahay na tumanggap sa inyo, at manatili roon hanggang sa pag-alis
ninyo sa bayang iyon.
At
sakaling hindi kayo tanggapin, umalis kayo roon, at ipagpag ninyo ang alikabok
ng inyong mga paa bilang babala sa kanila." Kaya't humayo ang mga alagad
at naglakbay sa mga nayon, na ipinangangaral ang Mabuting Balita at
nagpapagaling ng mga maysakit sa lahat ng dako.
No comments:
Post a Comment