Noong panahong iyon, umalis si Jesus
sa lugar na iyon. Sa kanyang paglalakad, nakita niya ang isang taong ang pangala'y
Mateo; nakaupo ito sa paningilan ng buwis. Sinabi ni Jesus sa kanya,
"Sumunod ka sa akin." Tumindig si Mateo at sumunod sa kanya.
Nang si Jesus at ang kanyang mga alagad ay nasa bahay ni Mateo,
dumating ang maraming publikano at mga makasalanan. At sila'y magkakasalong
kumain. Nang makita ito nang mga Pariseo, tinanong nila ang kanyang mga alagad,
"Bakit sumasalo sa mga publikano at sa mga makasalanan ang inyong
guro?"
Narinig ito ni Jesus at siya ang sumagot, "Ang mga maysakit ang siyang nangangailangan ng manggagamot, hindi ang mga walang sakit. Humayo kayo at unawain ang kahulugan nito, 'Habag ang ibig ko at hindi hain.' Sapagkat naparito ako upang tawagin ang mga makasalanan, hindi ang mga banal."
No comments:
Post a Comment