Please join My Reflections' Facebook Group

Monday, September 02, 2024

Ang Mabuting Balita Martes Setyembre 3 Paggunita kay San Gregorio Magno papa at pantas ng Simbahan: Lucas 4:31-37


Mabuting Balita: Lucas 4:31-37
Noong panahong iyon, nagpunta si Jesus sa Capernaum, Galilea. Nagturo siya sa mga tao sa Araw ng Pamamahinga at nagtaka sila sa kanyang pagtuturo, sapagkat may kapangyarihan kung siya'y magsalita. 

Naroon sa sinagoga ang isang lalaking inaalihan ng demonyo o isang masamang espiritu. Sumigaw siya nang malakas: "Ano ang pakialam mo sa amin, Jesus na taga-Nazaret?  

Naparito ka ba upang puksain kami? Alam ko kung sino ka -- ikaw ang Banal ng Diyos." Subalit pinagwikaan siya ni Jesus, "Tumahimik ka! Lumayas ka sa taong iyan!" At sa harapan ng lahat, ang tao'y inilugmok ng demonyo at iniwan nang hindi man lamang sinaktan.

Nanggilalas silang lahat at nagsabi sa isa't-isa, "Anong uri ng pangungusap ito? Makapangyarihan at mabisa! Pinalalayas niya ang masasamang espiritu, at sumusunod naman sila!" At kumalat ang balita tungkol kay Jesus sa buong lupaing iyon.

No comments:

Post a Comment