Please join My Reflections' Facebook Group

Thursday, September 05, 2024

Ang Mabuting Balita: Lunes Setyembre 9, San Pedro Claver, pari: Lucas 6:6-11


Mabuting Balita: Lucas 6:6-11
Isang araw ng Pamamahinga, muling pumasok si Jesus sa sinagoga at nagturo. May isang lalaki roong tuyo't ang kanang kamay. Sa hangad ng mga eskriba at mga Pariseo na maparatangan si Jesus, nagbantay sila upang tingnan kung siya'y magpapagaling sa Araw ng Pamamahinga. Subalit batid ni Jesus ang kanilang iniisip, kaya't sinabi ni Jesus sa lalaking tuyo't ang kamay, "Halika rito sa unahan." 

Lumapit naman ang lalaki at tumayo roon. Sinabi ni Jesus sa kanila, "Tatanungin ko kayo. Alin ba ang ayon sa Kautusan: ang gumawa ng mabuti o ang gumawa ng masama sa araw ng Pamamahinga?" Magligtas ng buhay o pumatay?” 

Tiningnan ni Jesus ang mga nasa palibot niya at sinabi sa lalaki, "Iunat mo ang iyong kamay!" Iniunat nga niya ang kanyang kamay at ito'y gumaling. Nagngingitngit sa galit ang mga eskriba at Pariseo, at pinag-uusapan nila kung ano ang dapat gawin kay Jesus. 

No comments:

Post a Comment