Please join My Reflections' Facebook Group

Thursday, August 22, 2024

Ang Mabuting Balita Sabado Agosto 24 Kapistahan ni San Bartolome, apostol: Juan 1:45-51


Mabuting Balita: Juan 1:45-51
Noong panahong iyon, hinanap ni Felipe si Natanael, at sinabi rito, "Natagpuan namin si Jesus na taga-Nazaret, ang anak ni Jose. Siya ang tinutukoy ni Moises sa kanyang Kautusan, at gayon din ng mga propeta." "May magmumula bang mabuti sa Nazaret?" tanong ni Natanael. Sumagot si Falipe, "Halika tingnan mo."  

Nang malapit na si Natanael ay sinabi ni Jesus, "Masdan ninyo ang isang tunay na Israelita; siya'y hindi magdaraya!" Tinanong siya ni Natanael, "Paano ninyo ako nakilala?" Sumagot si Jesus, Bago ka pa tawagin ni Felipe, nakita na kita nang ikaw ay nasa ilalim ng puno ng igos."  

"Rabi, kayo po ang Anak ng Diyos! Kayo ang Hari ng Israel" wika ni Natanael. Sinabi ni Jesus, "Nananampalataya ka ba dahil sinabi kong nasa ilalim ka ng puno ng igos? Makakakita ka ng mga bagay na higit kaysa rito!" At sinabi niya sa lahat, "Tandaan ninyo: makikita ninyong bukas ang langit, at ang anghel ng Diyos ay manhik-manaog sa kinaroroonan ng Anak ng Tao!"

No comments:

Post a Comment