Please join My Reflections' Facebook Group

Thursday, August 29, 2024

Ang Mabuting Balita Agosto 30, Biyernes sa Ika-21 na Linggo ng Karaniwang Panahon: Mateo 25:1-13


Mabuting Balita: Mateo 25:1-13
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad ang talinghagang ito: "Dito maitutulad ang pagpasok sa kaharian ng Diyos: may sampung dalagang lumabas upang sumalubong sa lalaking ikakasal. Bawat isa'y may dalang ilawan.  

Ang lima sa kanila'y hangal at ang lima'y matalino. Ang mga hangal ay nagdala ng ilawan ngunit hindi nagbaon ng langis. Subalit ang matatalino'y nagdala ng langis bukod pa sa kanilang ilawan. Nabalam ang dating ng lalaking ikakasal, kaya't inantok silang lahat at nakatulog. 

"Ngunit nang hatinggabi na'y may sumigaw: 'Narito na ang lalaking ikakasal! Salubungin ninyo!' Agad nagbangon ang sampung dalaga at inayos ang kanilang ilawan. Sinabi ng mga hangal sa matatalino, 'Bigyan naman ninyo kami ng kaunting langis. Aandap-andap na ang aming mga ilawan, e!' 'Baka hindi magkasya ito sa ating lahat,' tugon ng matatalino. ' 

Mabuti pa'y pumunta muna kayo sa nagtitinda at bumili ng para sa inyo.' Kaya't lumakad ang limang hangal na dalaga. Samantalang bumibili sila, dumating ang lalaking ikakasal. Ang limang nakahanda ay kasama niyang pumasok sa kasalan, at ipininid ang pinto. 

"Pagkatapos, dumating naman ang limang hangal na dalaga. 'Panginoon, papasukin po ninyo kami!' sigaw nila. Ngunit tumugon siya, 'Sinasabi ko sa inyo: hindi ko kayo nakikilala.' Kaya, magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam ang araw ni ang oras." 

No comments:

Post a Comment