Please join My Reflections' Facebook Group

Wednesday, July 10, 2024

Ang Mabuting Balita Huwebes Hulyo 11 San Benito abad (Paggunita): Mateo 10:7-15


Mabuting Balita: Mateo 10:7-15
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga apostol, "Humayo kayo at ipangaral ninyo na malapit nang maghari ang Diyos. Pagalingin ninyo ang mga may sakit at buhayin ang mga patay. Pagalingin ninyo ang mga ketongin at palayasin ang mga demonyo. Yamang tumanggap kayo nang walang bayad, magbigay naman kayo nang walang bayad. 

Huwag kayong magdala ng salapi -- maging ginto, pilak, o tanso -- sa inyong mga lukbutan. Huwag din kayong magdala ng supot sa inyong paglalakbay, ni bihisan, pampalit na panyapak, o tungkod; sapagkat ang manggagawa ay may karapatan sa kanyang ikabubuhay. 

"At saanmang bayan o nayon kayo dumating, humanap kayo ng taong karapat-dapat pakituluyan, at manatili kayo roon habang kayo'y nasa lugar na iyon. Pagpasok ninyo sa bahay, sabihin ninyo, 'Maghari nawa ang kapayapaan sa bahay na ito!' Kung karapat-dapat ang mga tao sa bahay na iyon, panatilihin ninyo sa kanila ang inyong bati. 

Ngunit kung hindi, bawiin ninyo ito. At kung ayaw kayong tanggapin o pakinggan sa isang tahanan o bayan, umalis kayo roon at ipagpag ang alikabok ng inyong mga paa. Sinasabi ko sa inyo na sa Araw ng Paghuhukom ay higit na mabigat ang ipaparusa sa mga tao sa bayang yaon kaysa dinanas ng mga taga-Sodoma at taga-Gomorra."

No comments:

Post a Comment