Please join My Reflections' Facebook Group

Wednesday, July 17, 2024

Ang Mabuting Balita Hulyo 20 Sabado ng Ika-15 na Linggo sa Karaniwang Panahon: Mateo 12:14-21


Mabuting Balita: Mateo 12:14-21

Noong panahong iyon, umalis ang mga Pariseo at nag-usap-usap kung paano ipapapatay si Jesus. Alam ito ni Jesus kaya't umalis siya roon. Maraming sumunod sa kanya at pinagaling niya ang lahat ng maysakit, ngunit mahigpit nilang ipinagbilin sa kanila na huwag ipamamalita ang tungkol sa kanya.  

Nangyari ito upang matupad ang sinabi ni propeta Isaias: "Narito ang lingkod ko na ako rin ang humirang, minamahal ko nang labis, lubos kong kinalulugdan; ang banal kong Espiritu sa kanya ay ibibigay, sa lahat ng mga bansa ibabadha'y katarungan.  

Hindi siya makikipagtalo, mahinahon kung mangusap, ang tinig niya sa lansanga'y tinig lamang na paanas; Hindi niya puputulin yaong tambong nakahapay, ni hindi rin papatayin ang umaandap na ilawan, hanggang itong katarunga'y mapagtagumpay niyang ganap; At ang pag-asa ng tao sa kanya ay ilalagak."

No comments:

Post a Comment