May pitong magkakapatid na lalaki. Nag-asawa ang panganay, at namatay na walang anak. Napakasal sa balo ang pangalawa, at namatay na wala ring anak. Gayon rin ang nangyari sa pangatlo at sa mga sumunod pa: isa-isang napangasawa ng babae ang pitong magkakapatid, at sila'y namatay ng walang anak.
Sa kahuli-huliha'y namatay rin ang babae. Ngayon, sino po sa pito ang kikilalanin niyang asawa sa muling pagkabuhay, yamang napangasawa niya silang lahat?" Sumagot si Jesus, "Maling-mali kayo. Alam ninyo kung bakit? Hindi ninyo nababatid ang mga Kasulatan ni ang kapangyarihan ng Diyos. Sapagkat sa muling pagkabuhay, ang mga tao'y hindi na mag-aasawa; sila'y nagiging tulad ng mga anghel sa langit.
Tungkol naman sa muling pagkabuhay-- hindi pa ba ninyo nababasa sa aklat ni Moises ang tungkol sa nagliliyab na mababang punongkahoy? Ganito ang nasusulat na sinabi ng Diyos kay Moises, 'Ako ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac at ang Diyos ni Jacob.' Ngunit ang Diyos ay hindi Diyos ng mga patay, kundi ng mga buhay. Maling-mali kayo!"
No comments:
Post a Comment