Please join My Reflections' Facebook Group

Saturday, June 08, 2024

Ang Mabuting Balita Linggo Hunyo 9 Ikasampung Linggo sa Karaniwang Panahon: Marcos 3:20-35


Mabuting Balita: Marcos 3:20-35
Pag-uwi ni Jesus, muling nagkatipon ang napakaraming tao, anupa't hindi man lamang makuhang kumain ni Jesus at ng kanyang mga alagad. Nang mabalitaan ito ng kanyang mga mga kasambahay, sila'y pumaroon upang kaunin siya, sapagkat ang sabi ng mga tao, "Nasisiraan siya ng bait!"

Sinabi naman ng mga eskribang dumating mula sa Jerusalem, "Inaalihan siya ni Beelzebul, ang prinsipe ng mga demonyo. Ito ang nagbigay sa kanya ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo!" Kaya't pinalapit ni Jesus ang mga tao at sinabi sa kanila ang talinghaga: "Paano mangyayaring palayasin ni Satanas si Satanas?" 

Kapag naglaban-laban ang nasasakupan ng isang kaharian, hindi mananatili ang kahariang iyon. At kapag naglaban-laban ang magkakasambahay, hindi mananatili ang sambahayang iyon. Gayon din naman, kapag naghimagsik si Satanas laban sa kanyang sarili at naglaban-laban ang kanyang nasasakupan, hindi magtatagal at darating ang kanyang wakas. "Walang makapapasok sa bahay ng isang taong iyon. Saka pa lamang niya malolooban ang bahay na iyon.

"Tandaan ninyo ito: maaaring ipatawad sa mga tao ang lahat ng kasalanan at panlalait nila sa Diyos, ngunit ang sinumang lumait sa Espiritu Santo ay hindi mapapatawad. ang kanyang kasalanan ay hindi mapapawi kailanman." Sinabi ito ni Jesus sapagkat ang sabi ng ilan, "Inaalihan siya ng masamang espiritu."

Dumating ang ina at mga kapatid ni Jesus. Sila'y nasa labas ng bahay at ipinatawag siya. Noon nama'y maraming taong nakaupo sa palibot ni Jesus, at may nagsabi sa kanya, "Nariyan po sa labas ang inyong ina at mga kapatid; ipinatatawag kayo." Sino ang aking ina at mga kapatid?" ani Jesus. Tumingin siya sa mga nakaupo sa palibot niya at nagwika: "Ito ang aking ina at mga kapatid! Sapagkat ang sinumang tumatalima sa kalooban ng Diyos, ay siya kong ina at mga kapatid."

No comments:

Post a Comment