Sumagot si Hesus, “Tatanungin ko
rin kayo. Pag sinagot ninyo ako, saka ko naman sasabihin sa inyo kung ano ang
karapatan kong gumawa ng mga bagay na ito. Kanino nagmula ang karapatan ni Juan
upang magbinyag – sa Diyos ba o sa mga tao?” At sila’y nag-usap-usap: “Kung sabihin
nating mula sa Diyos, itatanong naman niya sa atin, ‘Bakit hindi ninyo siya
pinaniwalaan?’
Ngunit
kung sabihin nating mula sa tao,” natatakot naman sila at baka kung ano ang
gawin sa kanila ng mga tao, sapagkat kinikilala ng lahat na si Juan ay isang propeta.
Kaya’t sumagot sila kay Hesus, “Hindi namin alam!” Sinabi ni Hesus sa kanila,
“Hindi ko rin sasabihin sa inyo kung ano ang karapatan kong gumawa ng mga
ginawa ko.”
No comments:
Post a Comment