Please join My Reflections' Facebook Group

Tuesday, April 23, 2024

Ang Mabuting Balita Miyerkules Abril 24, Ikaapat na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay: Juan 12:44-50


Mabuting Balita: Juan 12:44-50
Noong panahong iyon, malakas na sinabi ni Jesus,"Ang nananalig sa akin ay hindi lamang sa akin nananalig, kundi sa nagsugo sa akin. At ang nakakita sa akin ay nakakita sa kanya. Ako'y naparito bilang ilaw ng sanlibutan, upang hindi manatili sa kadiliman ang nananalig sa akin.
Kung mapakinggan ninuman ang aking salita ngunit hindi niya tuparin ito, hindi ko siya hahatulan. Sapagkat naparito ako hindi upang hatulan ang sanlibutan kundi upang iligtas ito. May hahatol sa sinumang magtakwil sa akin at hindi tumanggap sa aking mga salita; ang salitang ipinahayag ko ang hahatol sa kanya sa huling araw.

Sapagkat hindi ako nagsalita sa ganang sarili ko lamang, kundi ang Amang nagsugo sa akin ang siyang nag-utos kung ano ang aking sasabihin at ipahahayag. At alam kong ang kanyang utos ay nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Kaya't ang ipinasasabi ng Ama ang siya kong sinasabi."

No comments:

Post a Comment