Gayon din ang bawat ipinanganak sa Espiritu." "Paano
pong mangyayari ito?" tanong ni Nicodemo. Sumagot si Jesus, "Guro pa
naman kayo sa Israel ay hindi ninyo nauunawaan ang bagay na ito? Tandaan ninyo:
ang aming nalalaman ang sinasabi namin, at ang aming nasaksihan ang
pinatototohanan namin, ngunit hindi ninyo tinatanggap ang aming patotoo.
Kung hindi ninyo paniniwalaan ang sinasabi ko tungkol sa mga bagay
sa sanlibutang ito, paano ninyo paniniwalaan kung ang sabihin ko'y tungkol sa
mga bagay sa langit? Walang umakyat sa langit kundi ang bumaba mula sa langit
-- ang Anak ng Tao."
"At kung paanong itinaas ni Moises ang ahas doon sa ilang, gayon din naman, kailangang itaas ang Anak ng Tao, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan.
No comments:
Post a Comment