Please join My Reflections' Facebook Group

Monday, April 22, 2024

Ang Mabuting Balita Martes Abril 23, Ikaapat na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay: Juan 10:22-30


Mabuting Balita: Juan 10:22-30
Taglamig na noon. Kasalukuyang ipinagdiriwang sa Jerusalem ang Pista ng Pagtatalaga ng templo. Naglalakad si Jesus sa templo, sa Portiko ni Solomon. Pinaligiran siya ng mga Judio at sinabi sa kanya, "Hanggang kailan mo kami pag-aalinlanganin? 

Kung ikaw ang Cristo, sabihin mo na nang tiyakan." Sumagot si Jesus, "Sinabi ko na sa inyo, ngunit ayaw ninyong maniwala. Ang mga ginagawa ko sa ngalan ng aking Ama ay nagpapatotoo tungkol sa akin. Ngunit ayaw ninyong maniwala, sapagkat hindi kayo kabilang sa aking mga tupa.  

Nakikinig sa akin ang aking mga tupa; nakikilala ko sila, at sumusunod sila sa akin. Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan, at kailanma'y hindi sila mapapahamak; hindi sila maaagaw sa akin ninuman. Ang aking Ama, na nagbigay sa kanila sa akin, ay lalong dakila sa lahat at hindi sila maaagaw ninuman sa aking Ama. Ako at ang Ama ay iisa."

No comments:

Post a Comment