Tinatawag
niya ang kanyang mga tupa sa kani-kanilang pangalan, at inilalabas sa kulungan.
Kapag nailabas na, siya’y nangunguna sa kanila at sumusunod naman ang mga tupa
sapagkat nakikilala nila ang kanyang tinig. Hindi sila sumusunod sa iba, bagkus
pa nga’y patakbong lumalayo, sapagkat hindi nila nakikilala ang kanyang tinig.”
Sinabi
ni Hesus ang talinghagang ito, ngunit hindi nila naunawaan ang ibig niyang
sabihin.
Kaya’t
muling sinabi ni Hesus, “Tandaan ninyo: ako ang pintuang dinaraanan ng mga
tupa. Ang mga nauna sa akin ay mga magnanakaw at mga tulisan, ngunit hindi sila
pinakinggan ng mga tupa. Ako ang pintuan. Ang sinumang pumapasok sa pamamagitan
ko’y maliligtas.
Papasok
siya’t lalabas, at makatatagpo ng pastulan. Kaya lamang pupunta rito ang
magnanakaw ay upang magnakaw, pumatay, at magwasak. Naparito ako upang ang mga
tupa’y magkaroon ng buhay – isang buhay na ganap at kasiya-siya.”
No comments:
Post a Comment