Noong panahong iyon, sinabi ni
Hesus sa kanyang mga alagad: "Kung paanong iniibig ako ng Ama, gayon din
naman, iniibig ko kayo; manatili kayo sa aking pag-ibig; Kung tinutupad ninyo
ang aking mga utos, mananatili kayo sa aking pag-ibig; tulad ko, tinutupad ko
ang mga utos ng aking Ama at ako'y nananatili sa kanyang pag-ibig.
"Sinasabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang makahati kayo sa kagalakan ko at malubos ang inyong kagalakan."
No comments:
Post a Comment