Noong panahong iyon, nagpakita si
Hesus sa Labing-isa at sinabi sa kanila, "Humayo kayo sa buong sanlibutan
at ipangaral ninyo sa lahat ang Mabuting Balita. Ang sumasampalataya at
mabinyagan ay maliligtas, ngunit ang hindi sumampalataya ay
parurusahan.
Ang mga sumasampalataya ay magtataglay ng ganitong tanda ng
kapangyarihan: sa pangalan ko'y magpapalayas sila ng mga demonyo at magsasalita
ng ibang wika; sila'y hindi maaano dumampot man ng ahas o uminom ng lason; at
gagaling ang mga may sakit na mapatungan ng kanilang kamay."
Pagkatapos magsalita sa kanila, ang Panginoong Jesus ay iniakyat sa langit, at lumuklok sa kanan ng Diyos. Humayo nga ang mga alagad at nangaral sa lahat ng dako. Tinulungan sila ng Panginoon sa gawaing ito. Pinatotohanan niya ang Salitang kanilang ipinangangaral sa pamamagitan ng kapangyarihang gumawa ng himala, na ipinagkaloob niya sa kanila.
No comments:
Post a Comment