Noong panahong iyon sinabi ni Jesus kay Nicodemo: Ang mula sa itaas ay dakila sa lahat;
ang mula sa lupa ay taga lupa at nagsasalita tungkol sa mga bagay sa lupa. Ang
mula sa langit ay dakila sa lahat. Pinatototohanan niya ang kanyang nakita at
narinig, ngunit walang maniwala sa kanyang patotoo. Ang naniniwala sa kanyang
patotoo ay nagpapatunay na tapat ang Diyos.
Sapagkat
ang sinugo ng Diyos ay nagpapahayag ng salita ng Diyos; at walang sukat ang
kanyang pagkakaloob ng Espiritu Santo. Minamahal ng Ama ang Anak, at ibinigay
sa kanya ang kapamahalaan ng lahat ng bagay. Ang nananalig sa Anak ay may buhay
na walang hanggan; ngunit ang hindi tumatalima sa Anak, hindi magkakaroon ng
buhay -- mananatili sa kanya ang poot ng Diyos.
No comments:
Post a Comment