Umalis sila at lumulan sa bangka, subalit walang nahuli nang
gabing iyon. Nang magbubukang-liwayway na, tumayo si Jesus sa pampang , subalit
hindi siya nakilala ng mga alagad. Sinabi niya, "Mga anak, mayroon ba
kayong huli?" "Wala po," tugon nila. "Ihulog ninyo ang
lambat sa gawing kanan ng bangka, at makahuhuli kayo," sabi ni Jesus.
Inihulog nga nila ang lambat at hindi nila ito mahila sa dami ng
huli.
Sinabi kay Pedro ng alagad na minamahal ni Jesus, "Ang
Panginoon iyon!" Nang marinig ito ni Simon Pedro, siya'y nagsuot ng Damit
sapagkat hubad siya at tumalon sa tubig. Ang kasama niyang mga alagad ay
sumapit sa pampang, sakay nang munting bangka, hila-hila ang bangka na puno ng
isda. Hindi sila gaanong kalayuan sa pampang -- mga siyamnapung metro lamang.
Pag-ahon nila sa pampang ay nakakita sila roon ng mga baga na may
isdang nakaihaw, at ilang tinapay. "Magdala kayo rito ng ilang isdang
nahuli ninyo," sabi ni Jesus. Kaya't sumampa sa bangka si Simon Pedro at
hinila sa pampang ang lambat na puno ng malalaking isda -- sandaan at limampu't
tatlong lahat.
Hindi napunit ang lambat, kahit ganoon karami ang isda. Halikayo
at mag-almusal tayo" sabi ni Jesus. Isa man sa mga alagad ay walang
nangahas magtanong kung sino siya, sapagkat alam nila na siya ang Panginoon.
Lumapit si Jesus, kinuha ang tinapay at ibinigay sa kanila, gayon din ang
isda.
Ito ang ikatlong pagpapakita ni Jesus sa mga alagad pagkatapos na siya'y muling mabuhay.
No comments:
Post a Comment