Please join My Reflections' Facebook Group

Wednesday, April 17, 2024

Ang Mabuting Balita, Abril 20 Sabado sa Ikatlong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay: Juan 6:60-69


Mabuting Balita: Juan 6:60-69
Noong panahong iyon, marami sa mga alagad ni Jesus ang nagsabi, "Mabigat na pananalita ito; sino ang makatatanggap nito?" Alam ni Jesus na nagbubulung-bulungan ang kanyang mga alagad tungkol dito, kaya't sinabi niya, "Dahil ba rito'y tatalikuran na ninyo ako? Gaano pa kaya kung makita ninyong umaakyat ang Anak ng Tao sa dati niyang kinaroroonan? 

Ang espiritu ang nagbibigay-buhay; hindi ito magagawa ng laman. Ang mga salitang sinabi ko sa inyo ay Espiritu at buhay. Ngunit may ilan sa inyong hindi nananalig sa akin. " Sapagkat talastas ni Jesus buhat pa noong una kung sinu-sino ang hindi nananalig sa kanya. Idinugtong pa niya, "Iyan ang dahilan kaya ko sinabi sa inyo na walang makalalapit sa akin malibang loobin ito ng Ama."  

Mula noo'y marami sa kanyang mga alagad ang tumalikod at hindi na sumama sa kanya. Kaya't tinanong ni Jesus ang Labindalawa, "Ibig din ba ninyong umalis?" Sumagot si Simon Pedro, "Panginoon, kanino po kami pupunta? Nasa inyo po ang mga salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Naniniwala kami at ngayo'y natitiyak naming kayo ang Banal ng Diyos."

No comments:

Post a Comment