Please join My Reflections' Facebook Group

Tuesday, April 9, 2024

Ang Mabuting Balita, Abril 13 Sabado sa Ikalawang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay: Juan 6:16-21


Mabuting Balita: Juan 6:16-21
Nang nagtatakipsilim na, ang mga alagad ay pumunta sa tabi ng lawa, sumakay sa bangka, patawid sa Capernaum. Madilim na'y wala pa si Jesus. Lumakas ang hangin at lumaki ang alon. Nang makagaod sila nang lima o anim na kilometro, nakita nila si Jesus na lumalakad sa ibabaw ng tubig, palapit sa bangka. 

At sila'y natakot. Ngunit sinabi niya sa kanila, "Huwag kayong matakot, ako ito!" Tuwang tuwa nilang pinasakay si Jesus sa bangka; at pagdaka'y sumadsad ang kanilang bangka sa kanilang patutunguhan.

No comments:

Post a Comment