Please join My Reflections' Facebook Group

Monday, March 11, 2024

Ang Mabuting Balita Marso 15, Biyernes sa Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma: Juan 7:1-2, 10, 25-30


Mabuting Balita: Juan 7:1-2, 10, 25-30
Noong panahong iyon, nilibot ni Jesus ang Galilea; iniwasan niya ang Judea, sapagkat ibig siyang patayin ng mga Judio roon. Nalalapit na ang Pista ng mga Tolda, isang pista ng mga Judio. Pagkaalis ng kanyang mga kapatid, si Jesus ma'y pumunta rin sa pista, ngunit hindi hayagan. 

Sinabi ng ilang taga-Jerusalem, "Hindi ba ito ang taong gusto nilang patayin? Hayan! Lantaran siyang nagsasalita, ngunit wala silang sinasabi laban sa kanya! Baka naman nakilala ng mga pinuno na siya nga ang Mesias! Walang makaaalam kung saan magmumula ang Mesias pagparito niya, ngunit alam naman natin kung saan nagmula ang taong ito!" 

Kaya't nang nasa templo si Jesus at nagtuturo, malakas niyang sinabi, "Ako ba'y nakikilala ninyo? Alam ba ninyo kung saan ako nagmula? Hindi ako naparito sa ganang akin lamang. Ang Totoo ang siyang nagsugo sa akin, ngunit hindi ninyo sila nakikilala. Nakikilala ko siya, sapagkat ako'y mula sa kanya, at siya ang nagsugo sa akin." Tinangka nilang dakpin siya; ngunit walang nangahas, sapagkat hindi pa niya oras.

No comments:

Post a Comment