Please join My Reflections' Facebook Group

Wednesday, February 07, 2024

Ang Mabuting Balita Pebrero 8, Huwebes sa Ikalimang Linggo ng Karaniwang Panahon: Marcos 7:24-30


Mabuting Balita: Marcos 7:24-30
Noong panahong iyon, nagtungo si Hesus sa lupain ng Tiro at tumuloy sa isang bahay doon. Ayaw sana niyang malaman ninuman na naroon siya, subalit hindi gayon ang nangyari. Ang pagdating niya'y nabalitaan ng isang inang may maliit na anak na babaing inaalihan ng masamang espiritu. Pumunta siya kay Jesus at nagpatirapa sa kanyang harapan.                       

Ang babaing ito'y Hentil -- tubo sa Sirofenicia. Ipinamanhik niya kay Hesus na palayasin ang demonyo na nasa kanyang anak; ngunit sinabi ni Hesus, "Kailangang busugin muna ang mga anak. Hindi dapat kunin ang pagkain ng mga anak upang ihagis sa mga tuta." 

"Tunay nga po, Panginoon," tugon ng babae, "ngunit ang mga tuta mang nasa ilalim ng hapag ay naninimot ng mga mumong nalalaglag ng mga anak." Kaya't sinabi sa kanya ni Hesus, "Dahil sa sinabi mo, maaari ka nang umuwi. Iniwan na ng demonyo ang iyong anak." Umuwi ang babae, at naratnan niya sa higaan ang bata. Iniwan na nga ng demonyo. 

No comments:

Post a Comment