Please join My Reflections' Facebook Group

Tuesday, February 27, 2024

Ang Mabuting Balita para Marso 3, Ikatlong Linggo ng Kuwaresma: Juan 2:13-25


Mabuting Balita: Juan 2:13-25
Malapit na ang Paskuwa ng mga Judio, kaya't pumunta si Jesus sa Jerusalem. Nakita niya sa templo ang mga nagbibili ng mga baka, mga tupa, at mga kalapati, at mga namamalit ng salapi. Gumawa siya ng isang panghagupit na lubid at ipinagtabuyang palabas ang mga mangangalakal, pati mga baka at tupa. 

Isinabog niya ang salapi ng mga namamalit at pinagtataob ang kanilang mga hapag. Sinabi niya sa mga nagbibili ng kalapati, "Alisin ninyo dito ang mga iyan! Huwag ninyong gawing palengke ang bahay ng aking Ama!" Naalaala ng kanyang mga alagad na sinabi sa Kasulatan,"Ang aking malasakit sa iyong bahay ay parang apoy na nag-aalab sa puso ko." 

Dahil dito'y tinanong siya ng mga Judio, "Anong tanda ang maibibigay mo upang patunayang may karapatan kang gawin ito?" Tumugon si Jesus, "Gibain ninyo ang templong ito at muli kong itatayo sa loob ng tatlong araw." Sinabi ng mga Judio, "Apatnapu't anim na taon na ginawa ang templong ito at itatayo mo sa loob lamang ng tatlong araw?" Ngunit ang templong tinutukoy ni Jesus ay ang kanyang katawan. Kaya't ng siya'y muling mabuhay, naalaala ng kanyang mga alagad na sinabi niya ito; at naniwala sila sa Kasulatan at sa sinabi ni Jesus. 

Nang Pista ng Paskuwa, nasa Jerusalem si Jesus. Marami ang sumampalataya sa kanya ng makita nila ang mga kababalaghang ginawa niya. Subalit hindi nagtiwala sa kanila si Jesus, sapagkat kilala niya silang lahat.  Hindi na kailangang may magsalita pa sa kanya tungkol sa kaninuman, sapagkat talastas niya ang kalooban ng lahat ng tao.

No comments:

Post a Comment