Please join My Reflections' Facebook Group

Friday, January 26, 2024

Ang Mabuting Balita para Enero 28, Ikaapat na Linggo sa Karaniwang Panahon: Marcos 1:21-28


Mabuting Balita: Marcos 1:21-28
Noong panahong iyon si Jesus at ang mga alagad ay nagpunta sila sa Capernaum. Nang sumunod na Araw ng Pamamahinga ay pumasok si Jesus sa sinagoga at nagturo. Namangha ang mga tao sapagkat nagturo siya sa kanila na parang isang may kapangyarihan, at hindi tulad ng mga eskriba.

Bigla namang pumasok sa sinagoga ang isang inaalihan ng masamang espiritu, at sumigaw: "Ano ang pakialam mo sa amin, Jesus na taga-Nazaret? Kilala kita: Ikaw ang Banal na mula sa Diyos!" 

Ngunit iniutos ni Jesus sa masamang espiritu , "Tumahimik ka! Lumabas ka sa kanya!" Pinapangisay ng masamang espiritu ang tao, at sumisigaw na lumabas. Nanggilalas ang lahat, kaya't sila'y nagtanungan. "Ano ito? Bagong aral? Nauutusan niya pati ang masasamang espiritu. At sinunod naman siya!" At mabilis na kumalat sa buong Galilea ang balita tungkol kay Jesus.

No comments:

Post a Comment