Please join My Reflections' Facebook Group

Monday, January 08, 2024

Ang Mabuting Balita Enero 9, Martes sa Unang Linggo ng Karaniwang Panahon: Marcos 1:21b-28


Mabuting Balita: Marcos 1:21b-28
Sa lungsod ng Capernaum sa Araw ng Pamamahinga si Jesus ay pumasok sa sinagoga at nagturo. Namangha ang mga tao sapagkat nagturo siya sa kanila na parang isang may kapangyarihan, at hindi tulad ng mga eskriba. Bigla namang pumasok sa sinagoga ang isang inaalihan ng masamang espiritu, at sumigaw: "Ano ang pakialam mo sa amin, Jesus na taga-Nazaret? 

Kilala kita: Ikaw ang Banal na mula sa Diyos!" 

Ngunit iniutos ni Jesus sa masamang espiritu , "Tumahimik ka! Lumabas ka sa kanya!" Pinapangisay ng masamang espiritu ang tao, at sumisigaw na lumabas. Nanggilalas ang lahat, kaya't sila'y nagtanungan. "Ano ito? Bagong aral? Nauutusan niya pati ang masasamang espiritu. At sinunod naman siya!" At mabilis na kumalat sa buong Galilea ang balita tungkol kay Jesus.

No comments:

Post a Comment