Please join My Reflections' Facebook Group

Tuesday, December 12, 2023

Ang Mabuting Balita Miyerkules Disyembre 13, Santa Lucia, dalaga at martir (Paggunita): Mateo 11:28-30


Mabuting Balita: Mateo 11:28-30
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, "Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na napapagal at; nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo'y pagpapahingahin ko. 

Pasanin ninyo ang aking pamatok, at mag-aral kayo sa akin; ako'y maamo at mababang-loob, at makasusumpong kayo ng kapahingahan para sa inyong kaluluwa. Sapagkat maginhawang dalhin ang aking pamatok, at magaan ang pasaning ibibigay ko sa inyo."

No comments:

Post a Comment