Noong panahong iyon, pumasok si Jesus
sa isang nayon. Malugod siyang tinanggap ng isang babaing nagngangalang Marta
sa tahanan nito. Ang babaing ito'y may isang kapatid na Maria ang pangalan.
Naupo ito sa paanan ng Panginoon at nakinig sa kanyang itinuturo.
Alalang-alala
si Marta sapagkat kulang ang kanyang katawan sa paghahanda, kaya't lumapit siya
kay Jesus at ang wika, "Panginoon, sabihin nga po ninyo sa kapatid kong
tulungan naman ako." Ngunit sinagot siya ng Panginoon, "Marta, Marta,
naliligalig ka at abalang-abala sa maraming bagay, ngunit isa lamang ang
talagang kailangan. Pinili ni Maria ang lalong mabuti, at ito'y hindi aalisin
sa kanya."
No comments:
Post a Comment