"
At pagkatapos ay isinaysay ni Jesus ang talinghaggang ito: Ang bukirin ng isang
mayaman ay umani nang sagana. Kaya't sinabi niya sa sarili, 'Ano ang gagawin
ko? Wala na akong paglagyan ng aking ani! A, gigibain ko ang aking mga kamalig,
at magtatayo ako ng lalong mas malalaki. Doon ko ilalagay ang aking ani at
ari-arian. At sasabihin ko sa aking sarili, Ayan! marami na akong
ari-arian!
Hindi
na ako kukulangin habambuhay! Kaya't mamamahinga na lang ako, kakain, iinom, at
magsasaya!' Ngunit sinabi sa kanya ng Diyos, 'Hangal! Sa gabing ito'y babawian
ka ng buhay. Kanino mapupunta ang mga bagay na inihanda mo?' Ganyan ang
sasapitin ng nagtitipon ng kayamanan para sa sarili, ngunit dukha naman sa
paningin ng Diyos."
No comments:
Post a Comment