Please join My Reflections' Facebook Group

Wednesday, September 20, 2023

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Setyembre 24, Ika-25 na Linggo sa Karaniwang Panahon: Mateo 20:1-16a


Mabuting Balita: Mateo 20:1-16a
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad ang talinghagang ito: "Ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: lumabas ng umagang-umaga ang may-ari ng ubasan upang humanap ng mga manggagawa. Nang magkasundo na sila sa upa na isang denaryo maghapon, sila'y pinapunta niya sa kanyang ubasan. Lumabas siyang muli nang mag-iikasiyam ng umaga at nakakita siya ng iba pang tatayu-tayo lamang sa liwasang-bayan.  

Sinabi nya sa kanila, 'Pumaroon din kayo at magtrabaho sa aking ubasan, at bibigyan ko kayo ng karampatang upa. At pumaroon nga sila. Lumabas na naman siya nang mag-iikalabindalawa ng tanghali at nang mag-iikatlo ng hapon, at gayon din ang ginagawa niya. Nang mag-iikalima ng hapon, siya'y lumabas uli at nakakita pa ng mga ibang wala ring ginagawa. Sinabi niya sa kanila, 'Bakit kayo tatayu-tayo lang dito sa buong maghapon?' 'Wala pong magbigay sa amin ng trabaho, e!' sagot nila. At sinabi niya, 'Kung gayun, pumaroon kayo at gumawa sa aking ubasan.

"Pagtatakip-silim, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kanyang katiwala, 'Tawagin mo na ang mga manggagawa at sila'y upahan, magmula sa huli hanggang sa unang nagtrabaho.' Ang mga nagsimula ng mag-iikalima ng hapon ay tumanggap ng tig-iisang denaryo. At nang lumapit ang mga nauna, inakala nilang tatanggap sila ng higit doon; ngunit ang bawat isa'y tumanggap din ng isang denaryo. 

Pagkatanggap nito, nagreklamo sila sa may-ari ng ubasan. Sabi nila, 'Isang oras lang pong gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon kaming nagpagal at nagtiis ng nakapapasong init ng araw. Bakit naman po ninyo pinagpare-pareho ang upa sa amin?' At sinabi niya sa isa sa kanila, 'Kaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi ba't nagkasundo tayo sa isang denaryo?  

Kunin mo ang ganang iyo, at umalis ka na. Maano kung ibig kong upahan ang nahuli nang tulad ng upa ko sa iyo? Wala ba akong karapatang gawin ang aking maibigan sa ari-arian ko? O naiinggit ka lang sa aking kabutihang loob?' Kaya't ang nahuhuli ay mauuna, at ang nauuna ay mahuhuli."

No comments:

Post a Comment