Please join My Reflections' Facebook Group

Tuesday, August 08, 2023

Ang Mabuting Balita Agosto 9, Miyerkules ng Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon: Mateo 15:21-28


Mabuting Balita: Mateo 15:21-28
Umalis doon si Jesus at nagpunta sa lupaing malapit sa Tiro at Sidon. Lumapit sa kanya ang isang Cananeang naninirahan doon at malakas na sinabi, "Panginoon, Anak ni David, mahabag po kayo sa akin! Ang anak kong babae ay inaalihan ng demonyo at masyadong pinahihirapan.   

Ngunit gaputok ma'y di tumugon si Jesus. at lumapit ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanya. "Pagbigyan na nga po ninyo at nang umalis. Siya'y nag-iingay at susunod-sunod sa atin." Sumagot si Jesus, "Sa mga tupang naliligaw ng sambahayan ng Israel lamang ako sinugo." Ngunit lumapit sa kanya ang babae, lumuhod sa harapan at ang sabi, "Tulungan po ninyo ako, Panginoon."   

Sumagot si Jesus, "Hindi dapat kunin ang pagkain ng mga anak upang ihagis sa mga tuta." "Tunay nga po, Panginoon," tugon ng babae, "ngunit ang mga tuta man ay nagsisikain ng mumong nalalaglag sa hapag ng kanilang panginoon." Kaya sinabi sa kanya ni Jesus, "Napakalaki ng iyong pananalig! Mangyayari ang hinihiling mo." At noon di'y gumaling ang kanyang anak.  

 

No comments:

Post a Comment