Please join My Reflections' Facebook Group

Wednesday, August 09, 2023

Ang Mabuting Balita Agosto 12, Sabado ng Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon: Mateo 17:14-20


Mabuting Balita: Mateo 17:14-20
Noong panahong iyon, lumapit ang isang lalaki, lumuhod sa harapan ni Hesus at ang sabi, “Ginoo, mahabag po kayo sa anak kong lalaki! Siya po’y himatayin at lubhang nahihirapan kung sinusumpong, sapagkat madalas siyang mabuwal sa apoy o kaya’y mahulog sa tubig. 

Dinala ko na siya sa inyong mga alagad, ngunit hindi nila mapagaling.” Sumagot si Hesus, “Lahing walang pananampalataya at matigas ang ulo! Hanggang kailan dapat akong manatiling kasama ninyo? Hanggang kailan ko kayo pagtitiisan? Dalhin ninyo rito ang bata!” Pinagwikaan ni Hesus ang demonyo at lumabas ito, at ang bata’y gumaling agad. 

Pagkatapos ay lumapit ang mga alagad kay Hesus at nagtanong nang walang ibang nakaririnig, “Bakit hindi po namin mapalayas ang demonyo?” Sumagot siya, “Dahil sa kaliitan ng inyong pananalig. Sinasabi ko sa inyo: kung maging sinlaki man lamang ng butil ng mustasa ang inyong pananalig sa Diyos, masasabi ninyo sa bundok na ito, ‘Lumipat ka roon!’ at lilipat ito. Walang bagay na hindi ninyo mapangyayari.”

No comments:

Post a Comment