Noon ding
araw na iyon, si Hesus ay lumabas ng bahay at naupo sa tabi ng lawa.
Pinagkalipumpunan siya ng makapal na tao, kaya sumakay siya sa isang bangka at
doon naupo. Nasa dalampasigan naman ang mga tao. At nagturo siya ng maraming
bagay sa pamamagitan ng mga talinghaga.
“May isang magsasakang lumabas upang maghasik. Sa kanyang paghahasik ay may binhing nalaglag sa tabi ng daan. Dumating ang mga ibon at tinuka ang mga iyon. May binhi namang nalaglag sa kabatuhan. Sapagkat manipis lang ang lupa roon, sumibol agad ang binhing iyon, ngunit nang mapabilad sa matinding sikat ng araw ay natuyo, palibhasa’y walang gaanong ugat.
May binhi
namang nalaglag sa dawagan; lumago ang mga dawag at ininis ang mga iyon. Ngunit
ang binhing nalaglag sa mabuting lupa ay nag-uhay: may tigsasandaan, may tig-aanimnapu,
at may tigtatatlumpung butil ang bawat uhay. Ang may pandinig ay making!”
No comments:
Post a Comment