Dumarating ang Masama at inaagaw ang nahasik sa kanilang puso. Inilalarawan ng binhing nahasik sa kabatuhan ang nakikinig ng Salita at masayang tumatanggap nito kaagad. Ngunit hindi ito tumitimo sa puso nila kaya’t hindi sila nananatili. Pagdating ng mga kapighatian o pag-uusig dahil sa Salita, agad silang nanlalamig.
Inilalarawan
naman ng naghasik sa dawagan ang nakikinig ng Salita, ngunit naging abala sa
mga bagay ukol sa mundong ito, at naging maibigin sa mga kayamanan anupat ang
Salita’y nawalan na ng puwang sa kanilang puso, kaya’t hindi makapamunga. At
inilalarawan ng naghasik sa matabang lupa ang mga nakikinig ng Salita at
nakauunawa nito. Sila’y namumunga: may tigsasandaan, may tig-aanimnapu, at may
tigtatatlumpu.”
No comments:
Post a Comment