Please join My Reflections' Facebook Group

Wednesday, July 26, 2023

Ang Mabuting Balita Hulyo 27, Huwebes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon: Mateo 13:10-17


Mabuting Balita: Mateo 13:10-17
Noong panahong iyon, lumapit ang mga alagad at tinanong si Jesus: "Bakit po ninyo dinadaan sa talinghaga ang inyong pagsasalita sa kanila?" Sumagot siya, "Ipinagkaloob sa inyo na malaman ang mga lihim tungkol sa paghahari ng Diyos, ngunit hindi ito ipinagkakaloob sa kanila. 

Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, at mananagana; ngunit ang wala, kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa. Nagsasalita ako sa kanila sa pamamagitan ng talinghaga, sapagkat tumitingin sila ngunit hindi nakakikita, at nakikinig ngunit hindi nakaririnig ni nakauunawa.  

Natutupad nga sa kanila ang hula ni Isaias na nagsasabi: 'Makinig kayo nang makinig, hindi kayo makauunawa, at tumingin man kayo nang tumingin, hindi kayo makakikita. Sapagkat naging mapurol ang isip ng mga taong ito; mahirap makarinig ang kanilang mga tainga, at ipinikit nila ang kanilang mga mata. Kung di gayon, disin sana'y nakakita ang kanilang mga mata. Nakarinig ang kanilang mga tainga, nakaunawa ang kanilang mga isip, at nagbalik-loob sa akin, at pinagaling ko sila, sabi ng Panginoon.'   

Mapalad kayo, sapagkat nakakikita ang inyong mga mata at nakaririnig ang inyong mga tainga! Sinasabi ko sa inyo: maraming propeta at matutuwid na tao ang nagnanasang makakita sa inyong nakikita, ngunit hindi ito nakita, at makarinig sa inyong narinig, ngunit hindi ito napakinggan."

No comments:

Post a Comment