"Ang umiibig sa ama o sa ina nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. At ang umiibig sa anak na lalaki o babae nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang hindi nagpapasan nang kanyang krus at sumusunod sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang nag-iingat ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito, at ang nawawalan ng kanyang buhay dahil sa akin ay magkakamit nito."
"Ang tumatanggap sa inyo ay tumatanggap sa akin, at ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa nagsugo sa akin. Ang tumatanggap sa isang propeta dahil sa siya'y propeta ay tatanggap ng gantimpala ukol sa propeta. At ang tumatanggap sa isang taong matuwid dahil sa siya'y matuwid ay tatanggap ng gantimpalang nauukol sa taong matuwid.
At sinumang
magbigay ng kahit isang basong tubig na malamig sa isa sa maliliit na ito dahil
sa ito'y alagad ko-- tinitiyak kong tatanggap siya ng gantimpala." Matapos
tagubilinan ang labingdalawang alagad, umalis si Jesus upang magturo at
mangaral sa mga bayang malapit doon.
No comments:
Post a Comment