Please join My Reflections' Facebook Group

Monday, June 05, 2023

Ang Mabuting Balita sa Hunyo 7, Miyerkules ng Ikasiyam na Linggo sa Karaniwang Panahon: Marcos 12:18-27


Mabuting Balita: Marcos 12:18-27
Noong panahong iyon, may ilang Saduceo na lumapit kay Jesus. Ang Saduceo ay naninindigan na hindi na muling bubuhayin ang mga patay. "Guro," anila, "naglagda po si Moises ng ganitong batas para sa amin: 'Kung mamatay ang isang lalaki at maiwang walang anak ang kanyang asawa, ang kapatid ng lalaki'y dapat pakasal sa balo upang magkaanak sila para sa namatay.' 

May pitong magkakapatid na lalaki. Nag-asawa ang panganay, at namatay na walang anak. Napakasal sa balo ang pangalawa, at namatay na wala ring anak. Gayun din ang nangyari sa pangatlo at sa mga sumunod pa" isa-isang napangasawa ng babae ang pitong magkakapatid, at sila'y namatay na walang anak. 

Sa kahuli-huliha'y namatay rin ang babae. Ngayon, sino po sa pito ang kikilalanin niyang asawa sa muling pagkabuhay, yamang napangasawa silang lahat?" Sumagot si Jesus, "Maling-mali kayo. alam ninyo kung bakit? Hindi ninyo nababatid ang mga Kasulatan ni ang kapangyarihan ng Diyos. Sapagkat sa muling pagkabuhay, ang mga tao'y hindi na mag-aasawa; sila'y magiging tulad ng mga anghel sa langit. 

Tungkol naman sa muling pagkabuhay -- hindi pa ba ninyo nababasa sa aklat ni Moises ang tungkol sa nagliliyab na mababang punongkahoy? Ganito ang nasusulat na sinabi ng Diyos kay Moises. 'Ako ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac at ang Diyos ni Jacob.' Ngunit ang Diyos ay hindi Diyos ng mga patay, kundi ng mga buhay. Maling-mali kayo!"

No comments:

Post a Comment